Sa pagbisita ko sa blog ng aking kaibigan na si Jenn, para bang nahihikayat akong sumali sa grupo nilang litratong pinoy. Ganun nga ang ginagawa ko ngayon at ito ang unang temang aking natumpungan. Ngayon kada linggo, sigurado ng may bagong lathala na sa aking blog (sana.. hehehe).
Ang teleponong ito ay hindi lang luma kundi may "historical significance" dahil ito ay telepono sa bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Quirino. Ito ay matatagpuan sa Syquia Mansion dito sa Ilocos. Ito ang unang tinaguriang Malacanang of the North dahil ito ang residensya ng dating Pangulong Elpidio Quirino. Bukod sa teleponong ito, marami ring matatagpuang makalumang bagay sa mansyon na ito. Ito ay isa sa mga pinagmamalaking destinasyon ng mga turista ng syudad ng Vigan.
hahahaha!na alala ko bigla yung payphone na red. ganyan din yung dial, takot akong gamitin kasi iniipit yung daliri ko :) hahahaha
ReplyDeleteeto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
welcome sa LP! naku naalala ko tuloy yung phone namin na ganyan noon hehe ang bigat....
ReplyDeletebtw, digiscrapper ka pala same here
happy LP!! Eto po sa akin:
http://jennys-corner.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
http://jennysaidso.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
salamat po sa inyong pagbisita at pagwelcome sa akin.
ReplyDeleteang tagal ko ng di nakakita ng ganyang telepono.
ReplyDeleteEto ang aking lahok. Salamat po.
Raissa!!! Grabe, na-touched naman ako dun, special mention pa! Super love ko talaga itong grupong ito kasi parang magkakapatid na. Welcome sa LP!
ReplyDelete*** Jenn ***
nadaanan namin ang Syquia Mansion pero hindi namin pinansin. sayang, may historical significance pala iyon. naabutan ko ang ganyang telepono sa lola ko at tama si Agent112778, nakakaipit ng kamay hehehe!
ReplyDeletewaaaaa! buti pa kayo nagkaroon ng ganyan. oo nga yan ang mga unang ikinabit ng PLDT...di pa namin kayang magka-phone noon. nakikitawag lang kami.
ReplyDeletenaalala ko pa na noon ay may ka party-line pa ang bawat linya...hahaha.
'hello party-line...patawag naman. emergency lang' hahaha!
Reflexes
Living In Australia