Thursday, February 26, 2009

LP 47: Bulaklak


Nakalimutan ko ang pangalan ng bulaklak na ito. Actually isa syang cactus. Iba iba ang kulay ng mga bulaklak ng halamang to. May pink, red, yellow, fuchsia at ewan kung totoong may asul pa (feeling ko tsismis lang yun. hehehe). Ewan kung bakit nagkaron ng panahon na sobrang naging sikat ito sa amin at halos lahat ng bahay ay meron nito. Sobrang naging expensive pa nito at umaabot pa ng libo kung bibilhin mo. Akala ko naman ang hirap nyang buhayin o palaguhin pero madali lang pala. Ngayon, nawala na yung pagiging uso nito pero sobrang dami pa rin nito sa mga bahay bahay. Siguro ay nagsisisi na ang mga taong gumastos ng pagkalaki laki para lang sa mga halaman na ito. Ayon pa nga sa feng shui ay malas itong ilagay sa harapan ng bahay dahil ito ay cactus nga at may mga tusok tusok sa kanyang stem. Maganda man ang bulaklak ng halaman na ito, sobrang naging exaggerated ang pagsikat nito kaya ngayon ay parang nakakaumay na syang tingnan. Parang lahat ng sulok ng Vigan e meron nito. Pero ito ay dulot lang naman ng sobrang pagsikat nya dito. Kung di sana naging ganun ay siguradong ma-aappreciate ko pa rin ang kagandahan ng bulaklak na ito.

11 comments:

  1. Sori di ko rin alam pero may halamang ganyan ang biyenan ko. ganda ng kuha mo.

    ReplyDelete
  2. hello! Euphorbia ang tawag dyan. Naalala ko pa nun biglang naging sikat yan sa Vigan, ang hirap bigkasin ng pangalan kaya kadalasan ang sinasabi ay "your problema"...

    ito naman ang aking lahok

    Naimbag nga aldaw kenka!

    ReplyDelete
  3. ang ganda! at salamat k peachy ngayon alam na natin ang tawag dito:)

    ReplyDelete
  4. Parang hindi cactus. Maganda sigurong may koleksyon ng iba't-ibang kulay n'yan.

    ReplyDelete
  5. cactus yan...talaga...ang ganda nya. Kala ko green lang ang mga cactus hehehe

    Salamat sa dagdag kaalaman.

    ReplyDelete
  6. yung stem ng bulaklak nito ay matinik...marami nito sa mga probinsya.

    ReplyDelete
  7. hi again! i check your blog also. Papang mo ni george villanueva? magkakilala ang mga tatay natin...small world anoh! naaalala ko pa madalas magkwentuhan sina papa sa may tapat lang ng gate namin haha!

    ReplyDelete
  8. ay ang ganda naman nyan! sa pilipinas lang ba meron nyan?

    ReplyDelete
  9. beautiful!
    ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay sa Reflexes at Living In Australia

    ReplyDelete
  10. i think its a euphorbia. ang dami ngang ganyan sa ilokos pero sabi nila calachuchi na daw ang sikat ngayon dun.

    ReplyDelete
  11. ang ganda namang klase ng cactus niyan! kakaiba!

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.