Thursday, March 26, 2009

LP 51: SAPATOS


Eto ang aking paboritong sapatos (sa ngayon). Isa syang Ed Hardy creation. Di ko alam bakit ang sikat sikat nito noon. Sabi ng iba dahil daw sa design, personally, pag nakikita ko yung mga design nya e naalala ko yung mga nakapintura sa mga gilid ng mga bus at jeep. Pero dahil ito ay bigay ng aking ama noong sya'y magpunta sa Vietnam, mahal na mahal ko itong rubber shoes ko na ito. Isa pa, napaka-comportable ng sapatos na ito sa aking paa kaya lagi kong ginagamit. Sobrang dumi na nga nya at di pa maalis yung mga mantsa, linusong ko pa sa ilog. hehehe! Hindi po ako nakasali sa mga nakaraang LP dahil sa pinagawa ko ang aking lente. Tinubuan sya ng fungi. Salamat naman at naayos pa sya at di kinailangan palitan. Kaya ngayon maya't maya ay pinapaaraw ko ang aking lente at bumili na rin ako ng drybox. Sana di na maulit ang pagkakaron ng fungi ng aking lente. Happy LP sa inyong lahat!

Raissa

4 comments:

  1. May sentimental value pala iyan. Makikita pa rin ang ganda kahit luma na.

    ReplyDelete
  2. Cute pa rin naman ang sapatos at nagagamit pa. Magandang itabi dahil may sentimental value.

    ReplyDelete
  3. May sentimental value, talagang iingatan nga ito :)

    Naku, buti napalinis mo ang lente mo! Ang hirap nga kapag nagka fungi ito, hirap naman kasi dahil paiba-iba temp outside and inside!

    Happy LP

    Thess

    ReplyDelete
  4. may sentimental value naman pala ang sapatos eh :)

    ang aking sapatos ay andito naman:

    krismas gip :D

    HAPPY LP po! :)

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.