Thursday, August 27, 2009

LP 72: Hapunan

Eto ang hapunan ng kapatid ko nung minsang kumain kami sa Rai Rai Ken sa Baguio. Para syang rice toppings na may seafood at vegetables. Sayang at di ko na maalala ang pangalan ng inorder nyang ito. Gusto ko sa Rai rai ken dahil masarap at nakakabusog ang pagkain. Minsan sobra pa ang serving nila sa kaya kong kainin. Pero napansin ko, ewan kung sa branch na ito o dahil medyo taghirap na tayo, parang kumonti ang serving na nila ngayon. Sana ay ibalik nila ang dati para masulit naman natin ang binabayad natin.

1 comment:

  1. Ay talaga, medyo kumonti ang serving? Hmm, taghirap o hindi dapat hindi nagbabago ang serving lalo na parokyano na bumabalik at nagbabayad. Maraming restaurant owners ang ganyan, taghirap o hindi.

    Happy LP and have a good weekend!

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.