Lila ang aking paboritong kulay. G
Ang litratong yan ay kuha nung nakaraang Vigan City Fiesta kung saan may streetdancing na longganisa ang tema. Taon-taon dinadaos ito. May competisyon rin yung streetdancing na yun kung san sumasali ang mga eskwelahan at mga taga-ibang bayan. Nung nakita ko ang mga naka-costume na ito, inabangan ko talaga sila. Gustung-gusto kong kuhanan itong lalaking ito dahil sa sya lang ang naka-costume ng Lila pero tumatakbo naman sya nung kunan ko at napakaraming tao nung fiesta di ako makasingit. Marami ring kumukuha ng litrato pero di ako nakapwestong kumuha dahil kasali kami sa parada at medyo padilim na nung matapos. Tumakbo lamang ako pabalik para mapanood yung mga kasunod namin. Ganunpaman tuwang-tuwa ako sa tingkad ng kulay ng kanyang costume.
Ang ganda ng pagka-violet nya! festive na festive :)
ReplyDeletenagimasen :D
ReplyDeletesayang di ako nakapunta ng Vigan
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
tama ka talaga sa damdaming dala ng kulay lila. gleng ng pic.salamat sa pagbisita
ReplyDelete