Friday, April 3, 2009

LP 52: Paboritong Litrato


Ito ay isa sa aking mga paboritong litrato dahil isa ito sa mga una kong kinuhanan noong nabili ko ang aking DSLR. Pero syempre hindi lang yun ang dahilan, pakiramdam ko ay napaka-sweet ng magkapatid na ito. Bago ko mailabas ang aking camera ay sinusubuan pa ng kuya ang bulingit ng ice cream. sayang at nasa loob ng opisina noon ang aking camera dahil yun sana ang gusto kong kuhanan. Pero kahit na di ko inabutan yung pagmemeryenda nila, natutuwa pa rin ako sa litratong ito dahil ramdam pa rin naman ang pagiging kapatid at kuya nung batang lalaki dito. Habang binabantayan nya ang kanyang kapatid, e inaaliw nya ito sa pagpapakita ng iba't ibang mga bagay na interesante sa kanya. Aakalain mong malungkot ang magiging dating ng larawan dahil mga batang kalye sila, pero mas maaantig yung puso mo sa kainosentahan at pag-asang dinudulot ng larawan. Sa mga bata, minsan, kahit wala silang mga materyal na pag-aari o may kahirapan ang kanilang mga buhay, nakikita pa rin nila at na-aappreciate ang kagandahan ng paligid at ng buhay.

12 comments:

  1. mga bata ang isa sa mga subject na palagay ko eh laging perfect, as in you can't go wrong having them as a model!

    ReplyDelete
  2. sweet :)
    ako din, may paboritong litrato! :D

    may peborits :D

    HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!

    ReplyDelete
  3. oo nga, magandang gawan ng istorya yan! happy anniv. salamat sa pagvisit sa aking entry

    ReplyDelete
  4. That's really a cool black and white shot. Simple but strong.

    ReplyDelete
  5. Awesome shot - grounded in reality but so full of hope and dreams!
    Happy anniversary to all Litratistang Pinoy!

    ReplyDelete
  6. Tango ako sa sinulat mo...
    ...alam ko di ako naiintindihn ng iba s paraan na gusto kong palakihin ang mga anak ko pero totoo an sinabi mo, mas mahalaga pagmamahal kesa materyal na bagay. Happy LP!

    ReplyDelete
  7. Ang sweet nga . . . nakakatuwa!Happy Anniversary sa ating lahat sa LP!

    ReplyDelete
  8. great shot raizza

    sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  9. iba talaga nung bata bata pa tayo. :)

    happy anniv ka_LP! :) salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  10. Base on your post, this truly was a touching moment. Habang binabasa ko kwento mo, kung nasa harap ko ang mga bata- malamang nilapitan ko silang 2 at kakausapin ko.

    great capture!

    ReplyDelete
  11. oo nga ang sweet nila tignan.

    True happiness is indeed not base on what we have but who we have that loved us.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  12. dramatic photo...kahit titigan mo lang ay nakaka-antig.

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.