Thursday, October 23, 2008

LP 30: LIWANAG



Sabi nila ang Liwanag ang nagsisimbolo ng pag-asa. Di nga ba't ang pagsikat ng araw sa bawat umaga ay nagpapahiwatig ng bagong buhay? Pero pano kung sa madilim nating buhay ay etong liwanag na ito lang ang makakapitan natin? Pano kung ang tanging pag-asang makikita natin ay ang sinag ng sungay ng demonyong bumubulong sayo? kakapit ka ba? Makikinig ka kaya?

Sa mga panahon ng desperasyon ay masasabi kong malakas ang bulong ng mga sungay na ito. Ngunit sa totoo lang, sa panahon ng kadiliman, bakit ka kakapit sa napakaliit na ilaw na ito gayong may mas malaking liwanag na nag-aantay sayo? Minsan, sa tagal ng liwanag na dumating ay inaakala nating wala na talagang pag-asa, pero lahat, ika nga nila, ay nangyayari ng may kadahilanan at may sariling oras. Matagal man minsan, dumarating pa rin naman.

19 comments:

  1. Nakakaaliw naman yang sunggay na yan. Tamang tamang pang halloween.

    Ang galing mo naman mag-tagalog!

    ReplyDelete
  2. wala akong makitang ganyan dito,gusto ko sana bilhan yung 2 boys ko.

    ReplyDelete
  3. Nakakatakot naman kung yan ang makikita mo sa dilim, well, kung hindi siya mukhang laruan lang, hehe:P

    Ganda ng sinabi mo:D Mahirap mamili, depende kung ano ang nakataya sa desisyon mo.

    ReplyDelete
  4. natakot ako sandali sa litrato:) huwag sana akong makakita ng ganyan sa dilim. Pero, tunay ka, minsan..mas madaling mamili sa kung ano ang andiyan kahit hindi tama kay maghintay at magtiyaga.

    ReplyDelete
  5. Amen sa mga sinabi mo! sabi nung pari nung nagsimba ako one time, ask the devil if he is good and he will answer, "i am beautiful" -- the answer is just a temporary relief. hindi lahat ng maganda ay mabuti. kaya tama ka, antayin lang ang malaking liwanag sa panahon ng dilim :D

    gandang LP!

    http://kajesalvador.com

    ReplyDelete
  6. magaling mag-Tagalog? hirap nga ako e kasi ilocano ako, pero salamat.

    last year pa nauso yan dito... as in nag-hit talaga pero ngayon i don't see any na.

    salamat sa mga nag-comment at bumisita!

    ReplyDelete
  7. Ako rin, ayaw kong makakita ng ganyan, lalo na't palagi akong mag-isa sa bahay!

    ReplyDelete
  8. oo nga katakot pag sya ang magbibigay liwanag sa diliw...nyahahahha


    Happy LP

    ReplyDelete
  9. anya met ten day ta!!!!!!!!!nagulat ako

    nakaka aliw ah :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  10. timing, nalalapit na ang halloween. uso na naman ang ganyan sa trick or treat. nawa'y wala naman sa atin ang mag-isip kumapit sa ganyang klaseng liwanag.

    Overflow
    Captured Moments

    ReplyDelete
  11. ay gusto ko ding bumili ng sungay na yan para sa aking bulinggit. may picture din sya dati na nakasuot nyan.
    magandang araw!

    ReplyDelete
  12. magandang araw sa'yo - naaliw ako sa sungay, tapos kulay pula pa.

    ReplyDelete
  13. Naku mahirap kumapit sa ganyan!

    Salamat po sa pagbisita sa lahok ko.

    ReplyDelete
  14. hehehe, naaliw ako sa litrato. :) happy LP!

    ReplyDelete
  15. Si Erwin ba yan? Hehehehe... I am wondering kung ano ang lahok mo next week. Hmmm... kahapon may nakita akong sungay na ganyan sa isang grocery sa La Union, sayang di ko binili. =) Salamat sa pag-daan sa LP ko this week, di na ako nakaikot, next week, babawi ako.

    ReplyDelete
  16. Naku minsan ang tingin ko sa mga taong salbahe ay may sungay na ganyan....

    agree ako sa sinabi mo, may mas nakahihigit na liwanag kesa sa kakapiranggot na nanggagaling sa sungay na yan ;)

    c u next on LP!

    www.thesserie.com

    ReplyDelete
  17. Salamat sa pagdalaw. Ang ganda naman ng mensahe na piaabot mo. Kapit kalang nan dyan ang panginoon na nagbibigay liwanag.
    Photography

    ReplyDelete
  18. ay ayaw ko ng ganiyang liwanag! iskeri! :D

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.