Thursday, October 30, 2008

LP 31: Kadiliman



Nung bata ako, takot ako sa dilim. Hanggang ngayon, pag sobrang dilim na ng paligid, di na ako makahinga at naninikip na ang aking dibdib. Masyado atang aktibo ang aking imahinasyon dahil kung anu-ano ang sa pakiramdam ko'y nakikita ko pag madilim na. Isang gabi sa tabing dagat, sa tuktok ng isang "sand dune" kahit maliwanag ang buwan, kaya kong magtanim ng takot sa dibdib ng aking mga kasama. At yun ay hindi dahil sa gusto ko silang takutin kundi nahahawa sila sa takot ko. Pano nga ba kung may bigla na lang magpakita na kung ano? Pati sa aking litrato sa heritage street dito sa amin, iniiwasan kong tumingin sa mga bintana sa taas pag gabi na, dahil mamaya e may kung anong nakadungaw dun. Ganun ka-praning ang aking imahinasyon sa dilim.

Ang aking lahok ngayon ay animo'y dapat nung nakaraang linggo naipost. Di ba dapat liwanag ito? Pero ang mga ilaw na ito pag nakasindi e lalong nagiging madilim ang tingin mo sa loob ng mga bitana ng mga lumang bahay na ito mula sa kalye. Pag tinitigan mo ang mga ito ng matagal at tumingin ka sa madilim, may parang mga tuldok kang makikita na iba-ibang kulay. At kung kasing aktibo ng imahinasyon ko ang imahnasyon mo, ang mga tuldok na ito ay nagpoporma ng kung anu-anong nakakatakot na nilalang. Alam ko may kadahilanan itong maipapaliwaang ng syensya pero kung sa punto de vista ng nakakatakot, parang nabaliktad ang silbi ng ilaw na ito. Kesa mawala ang takot mo dahil maliwanag na, ay lalo ka pang nangilabot sa dilim na dulot nya sa mga bahay na walang nakatira.

18 comments:

  1. hehe pareho tayo, malikot din ang aking imahinasyon pagdating sa mga ganyan. :P

    salamat sa pagdalaw sa aking entries. happy lp! at happy halloween :D

    ReplyDelete
  2. fear of the unknown malamang ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay takot sa dilim. ang ganda ng litrato mo.

    ReplyDelete
  3. aktibo nga ang iyong imahinasyon..tinatakot mo na ako eh :)

    ReplyDelete
  4. sabi nga nila, mahirap lasapin ang liwanag kapag hindi mo naranasan ang karimlan... mapasaiyo nawa ang katapangan saan ka man naroroon =]

    ReplyDelete
  5. Liwanag sa dilim ... magandang konsepto iyan at mabili sa stock agencies. Ang susog ko lang, kung maaring bumalik ka doon sa ilaw na iyan, kunan mo ng letrato pero ilagay mo ito off center at hindi center. Sa center na komposisyon tulad nito, ang mga mata mo'y nakatutok lamang doon sa gitna, kawawa naman ang paligid. Kung i-off center mo, ang mata'y maaring mamasyal at makita ang pader kahit ito'y madilim. Salamat pala sa pagbisita mo sa aking ilio.ph na pahina.

    ReplyDelete
  6. Awooooo...Ano ang mayroon sa dako paroon?? nakaktakot ka naman..ang ganda pa naman ng piktyur na to.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  7. salamat po sa inyong suggestion sir ken. tama ka po. Next time i'll be more conscious of my composition.

    ReplyDelete
  8. 'think happy thoughts' na lang tayo kapag nasa dilim!

    have a good weekend :)

    ReplyDelete
  9. Buti na lang walang kumaway sa bintana kasi alam na walang nakatira dun :D

    ReplyDelete
  10. waaa...ang ganda naman!!! taga vigan ka? malimit ako jan sa ilocos sur...sa candon nga lang pero malapet lang naman ang vigan dun!!!

    ReplyDelete
  11. happy LP! maganda yung photo tignan ng full size. :) thanks for sharing

    ReplyDelete
  12. ang tindi ng imahinasyon mo... kakapangilabot!
    happy halloween!

    ReplyDelete
  13. salamat sa pag dalaw mo sa aking munting tahanan..

    ReplyDelete
  14. malikot din imahinasyon ko kaya takot ako sa dilim :)

    ReplyDelete
  15. Pareho tayong may "talent" na takutin ang mga sarili natin - hahaha! Group hug! :D

    ReplyDelete
  16. Pareho tayo ng kinakatakutan:P kapag bumababa ako ng hagdanan namin, kapag walang ilaw sa taas e kumakaripas pa rin ako ng takbo.

    ReplyDelete
  17. oo nga no? parang mas nakakatot ang dating ng ilaw na yan, parang may mumu hehe.

    salamat sa pagdalaw!

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.