Napaka-angkop naman ng tema sa nakaraang undas. Di ba nga't nagpupunta tayo sa sementeryo para gunitain ang alaala ng ating mga kapamilya at kaibigan na pumanaw na. Larawan ito ng aking kapatid at kasinatahan (naks!) habang nagbabantay kami sa puntod ng aming mga ninuno.
Tunay ngang sa bawat pagbisita namin dun ay sari-saring alaala ang aming nagugunita tungkol sa aming lolo at lola. Nakaka-konsensya na sa pang araw-araw nating mga buhay ay sa Undas na lang natin sila nagugunita gayong napakarami nilang naibahagi sa ating mga buhay.
P.S. Alam kong medyo puro dark at malungkot at seryoso itong aking nakaraang mga lahok at "posts", baka po akalain nyong morbid ako... e hindi po... nagkakataon lang.
Nakita ko po ang mga tanong na ito sa site ng panauhing-litratista na si Teacher Julie sa Litratong Pinoy. Nakakatuwa sya kaya naisip kong ilagay ito sa aking blog. Salamat Teacher Julie sa iyong nakakaaliw na mga pagpapaalala.
Sige nga, mula sa edad na 5 hanggang 15, tingnan natin kung ano ang mga naalaala nyo sa mga tanong na ito?
1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV? Batibot, Sesame Street, Thundercats, Rainbow Brite, Sine sa Nwebe
2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula? Dolphy at Chuchay; Beaches
3.. Ano ang paborito mong meryenda? Cheezums
4.. Ano ang paborito mong babasahin? Nancy Drew
5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? SM North Edsa; COD
6.. Sino ang iyong pers crush? hehehe! Paolo
7.. Sino ang iyong best prend? Nolasco Twins
8.. Sino ang iyong paboritong guro? Mrs. Roberonta
9.. Ano ang iyong paboritong laro? Patintero at Taguan
10.. Meron ba kayong alagang hayop noon? Aso, si Princess at Tanker
Sana nag-enjoy kayo sa pagbasa!
Maganda ang iyong lahok kaibigan! Magandang Huwebes!
ReplyDeletehttp://edsnanquil.com/?p=1157
ngayon ang anak ko fav na rin ang Sesam Street.
ReplyDeleteOo nga, alaala ng mga mahal natin sa buhay:) medto matagal din kami tumambay sa condo unit ng lolo ko sa sementeryo. Kung siya nakahiga, kami naman e nangawit na nakatayo. 3rd floor kasi siya, hehehe:D
ReplyDeletedi naman morbid :) fact of life lang talaga ang pag-gunita sa mga mahal sa buhay...
ReplyDeleteOverflow
Captured Moments
Tama ka - perfect "MMK moment" nga ang undas! :)
ReplyDeleteRainbow Brite! Naku paborito ko rin sya. Ang paborito ko sa mga kaibigan nya ay si Shy Violet.
ReplyDeleteBeaches! Iyak ako nang iyak sa sineng ito.
Nancy Drew! Ito ang unang librong binasa ko. Nakaka-addict!
Happy LP :)
hi, raissa! nice blog, and great pictures too! :)
ReplyDeleteHindi naman morbid, sakto lang sa ating theme talaga :)
ReplyDeleteuy si Dolphy, paborito ko nuon talaga, lalo na nung uber payatot pa sya he he!
thunder thunder thundercats! HOOOOOOOOOO!
ReplyDeletesword of omens, give me sight beyond sight!
panalo! wooot wooot!
ay hindi ako guilty sa paggunita sa mga yumaong minamahal kapag undas lamang. lagi ko silang naiisip sa isinasama sa mga dasal. :)
ReplyDeleteoo nga, medyo angkop sa undas ang tema ng LP. :D
ang ganda naman ng iyong litrato a... madrama ang dating at ang paborito kung programa sa tv noon ay Flordeluna :-)
ReplyDeletedramatic ang larawan.ayoko nang maging malungkot kaya't hindi dito umikot ang aking lahok...
ReplyDeleteBeaches! sus! namaga ang mata ko niyan. Anong ginagawa ng couple sa litrato?
ReplyDeletewala. nanood ng mga nagdadaanang mga tao. hehehe!
ReplyDeleteMasarap balik-balikan ang nakaraan. Maaari mang isipin natin ngayon na baduy na ang mga ito, hindi namang maipagkakamaling naging parte ang mga ito sa kung ano tayo ngayon.
ReplyDeleteSalamat sa pagsagot sa aking mga tanong. Patintero at taguan, paborito ko din yan noon,isama mo na din ang jackstone :D
Nga pala, bakit ba magkalayo yung dalawa sa picture? :D
Gusto ko naman yung litrato mo kahit na pagunita sa "patay" ang theme mo. Parang hindi type ng kapatid mo ang kanyang nobyo... bakit ang layo niya... hehehe... tsismoso.
ReplyDeleteMiss ko na ang dumalaw sa mga puntod pag undas sa Pinas.
ReplyDeleteKumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.
for clicking away and julie:
ReplyDeletehindi po boyfriend ng kapatid ko yan. boyfriend ko po yan. hahaha! Nagkataon lang na sa mga gilid ng puntod sila umupo.
yan bang 'beaches' eh yong kay bette midler? one of my all time favorite movies!
ReplyDeleteHi Puplesea, thanks for joining my blog contest I saw you from my master list. I would appreciate if you inform me what else you've done re contest so I can tally your points better for more chances of winning. Thank you again :)
ReplyDelete