Friday, November 21, 2008

LP 34: Madumi

Photobucket

Ang tema ng Litratong Pinoy ngayon ay madumi. Sayang at di ako nakasali sa nakaraang LP. Medyo kinapos kasi ako sa oras manguha ng litrato dahil ako ay nagkasakit. Sa totoo lang medyo nahirapan ako sa temang iyon kaya siguro di na rin ako nag-effort na gawin. = ) Medyo nahirapan din ako sa temang ito dahil yung mga unang naisip kong ilagay ay maaring maging "offensive" sa ibang tao. Ayoko namang lagyan ng temang politikal din ito (kasi un din ang isang naisip kong madumi). So eto ang nahanap ko sa mga litratong nakaipon sa aking computer.

Ito ay larawan ng kalye Crisologo na isang World Heritage Site. Dito makikita ang mga lumang bahay na nakaligtas noong ikalawang pandaigdigang digmaan. Maganda ang kalyeng ito at ang mga bahay dito. Kailangan mo pang magpaalam sa goyernong lokal para lang maayos mo ang bahay mo kung ikaw ay isa sa mga nagmamay-ari ng bahay dito. Kailangan sang-ayon sa lumang dibuho at minimal na pagbabago lang ang gawin mo.

Ang nakakainis lang at matatawag kong malaking "eye-sore" dito ay ang napakaraming wires na ang gulo gulo dito. Di naman talaga sa madumi sya pero dahil ang gulo ng itsura nya, nagmumukhang madumi ang labas ng mga bahay na ito. Kung kukunan mo ng litrato, maiirita ka dahil di ka makakuha ng anggulong malinis. Sana pag natapos na ang konstruksyon sa area na ito ay malinis na rin ang napakaraming wires na nakabitin dito.

P.S. Wag na lang po pansinin yung pag-advertise ng cobra energy drink. Pinaglaruan lang po namin yung pic ng kaibigan ko. Hehehe.

4 comments:

  1. nice pic... pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip ang aking lahok... :)


    http://linophotography.com

    ReplyDelete
  2. Oo nga madumi talagang tigan ung mga wires na nagkahambalang na parang mga ispagetti sa lansangan. Nice shot ha!

    Ako pag kailangan kong magising umiinom ako ng Cobra! Effective.

    By the way, I am celebrating my blog 1 year anniversary and I would like to invite you to join my giveaway. Details here. Sana daan ka at sumali :).

    ReplyDelete
  3. oo nga, eyesore talaga ang mga kawad ng kuryente.

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.