Thursday, November 27, 2008

LP 35: ANg PagWaWagi



Pagkatapos ng isang araw na pagbabanat ng buto, maituturing na pagwawagi ang isang masaganang huli ng mga mangingisdang ito. Iyon ang isa sa mga ikinaganda ng buhay sa probinsya... Basta't marunong kang magtanim o mangisda, makakakain ka. Di ka man makahuli ng malalaki o sangkatutak na isda basta may sapat na pede mong ihain sa iyong pamilya, ok na. Mabubuhay ka na. Kahit payak ang pamumuhay nila, tahimik naman.

Photobucket

Itong larawan naman na ito ay masasabi kong isa sa aking mga pagwawagi. Inakyat namin ang bundok na ito ng tatlong oras. Sa katunayan hindi lang sya iisang bundok, sabi nila pagnarating mo ang rurok, ang ibig sabihin ay natawid mo ang pitong bundok. Hirap na hirap ako nung umakyat kami dto lalo't nag-iisa akong babae noon. Akala ata ng mga kasama ko ay lalake na rin ako. Walang umalalay sa akin pero ang nakakatuwa ay isa ako sa mga naunang nakaakyat. Syempre, wala akong maka-chika kaya focused akong makarating sa taas. hehehe! Nasunog ang aking balat sa pag-akyat, ngunit ang pakiramdam ng tagumpay na makarating sa itaas ay nakakapawi ng pagod, sakit at hirap. Napakaganda sa taas lalo na nung magkaron na ng fog. At ang nakakatuwa pa ay naakyat ko ulit sya ng isang beses makaraan ng tatlong buwan. Mas nahirapan pa nga ako nung pangalawang beses dahil kasama ko mga kaibigan kong babae. Nahirapan talaga ang aking kapatid kaya inalalayan namin. Kinulang din kami sa dalang tubig at medyo tanghali na kami nakasimula kaya talagang halos ma-dehydrate kami sa pag-akyat. Kahit sa pagbaba ay nahirapan kami kasi inabutan kami ng dilim. Para kaming namaligno. Akala namin ay nawawala na kami. Pero tagumpay pa rin kasi nakauwi kami ng matiwasay. Pakiramdam ko ay malaking accomplishment namin yun kahit na pakiramdam ko ay hindi ko na mauulit pang umakyat. =)


11 comments:

  1. nice shots! oo nga, sa probinsya, basta willing ka magbanat ng buto, di ka magugutom. wow, congrats! iba talaga ang sense of fulfillment pag nakaakyat ka ng bundok.:D

    ReplyDelete
  2. wagi ang kuha mo sa mga mangingisda! :)

    ReplyDelete
  3. Yan din ang isa sa mga bagay na gusto ko sa probinsya, simple, pero masaya at masarap.

    Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    ReplyDelete
  4. ang galing:) may emotion:)
    maligayang LP

    bisita ka rin sa blog ko:)

    ReplyDelete
  5. oo nga, basta lang nagsisikap kahit paano may mararating. Nakahiligan ko rin ang umakyat ng bundok noon at iba talaga ang pakiramdam na maabot ang pnakamataas. Ano'ng bundok ito?

    ReplyDelete
  6. umaakyat ka pa ba? Ako, gusto ko pa ring umakyat kaso lang ang mga kasama ko noon, ayaw na. Sayang nga eh.

    ReplyDelete
  7. di ko alam ano name e. tawag nila radar. di naman talaga ako umaakyat. sinubukan ko lang. para naman kahit minsan e nasubukan ko. Buti nga may trail na ito, pede nga daanan ng sasakyan e pero yung mga pang trek talaga na sasakyan.. nakita namin Kasi sa taas may mga cellsite ang smart at globe

    ReplyDelete
  8. Ganda ng mensahe tungkol sa pangingisda... at ang pagpanik mo sa bundok and back - panalo nga! :)

    ReplyDelete
  9. Totoo yan, sa probinsiya, napakaraming resources na puwede gamitin ng mga tao pero dapat malaman din nila kung paano ito alagaan. Ewan ko ba bakit nagsusumiksik sila sa siyudad.

    Ang galing! Nakaakyat ka! Wagi nga iyan! :)

    ReplyDelete
  10. Congrats sa pag-akyat mo sa bundok na ito! May kaibigan akong mahilig sa trekking kaya alam ko pakiramdam mo, galing!

    Happy LP sa iyo!

    ReplyDelete
  11. grabe, yan siguro ang hindi ko gagawin. ang mag-mountain hike na aabutan ng gabi :) congratulations sa iyong tagumpay :D
    happy weekend!

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.