Napakarami kong maituturing na napakahalagang regalo. Isa na rito ay ang aking pamilya at ang aking buhay. Isa na rin ang akingp agiging Kristiyano at ang kaligtasan na aking natamo dahil sa pagmamahal ng ating Diyos sa akin. Napakaganda ang tema natin ngayon at kung hindi siguro nauna ng mailathala sa litratong pinoy website ang pagkakaron natin ng kaligtasan sa pagmamahal ni Kristo ay malamang yun din ang naging tema ko.
Pero isa rin sa mga itinatangi kong regalo ay ang pagkakaron ko ng kakambal. Napakaswerte ko at mula pagkabata ay nagkaron ako ng kasakasama, kalaro, kaaway, kaibigan at karamay. Di man kami laging magkasundo at magkasama na ngayon ay alam kong iba talaga ang "bond" na nag-uugnay sa amin.
Sa litratong ito, makikita mo ang pagkakaiba namin ng personalidad. Seryoso sya at ako ay mahilig maglaro (mga practical jokes na ngayon kasi matanda na kami.) Linalagyan ko ng hermit crab yung likod nya. Sama ko no? joke sa akin ang kagatin sya ng hermit crab. hehehe! Laid back sya manamit at ako ay medyo mas pormal (di ko naman alam na pupunta kami sa beach). Seryoso sya at ako'y happy go lucky daw. Yan ang mga opinyon ng ibang tao sa amin. Pero marami rin kaming similarities kaya nagkakasundo kami talaga at pareho kami ng mga kaibigan. Hindi lahat ay may kakambal kaya napakahalagang regalo sa akin ng Panginoon ang pagkakaroon ng isang katulad nya.

maswerte ka sa pagkakaroon ng kakambal; sometimes how it feels like to have a twin. But I bet it's some kind of wonderful :-)
ReplyDeleteFascinated ako sa mga kambal kasi kakaiba talaga ang closeness ninyo. Na hindi nakailngan pa sabihin ng isa kung ano ang iniisip ng isa!
ReplyDeleteNapakagandang regalo, ng isang tulad ng kapatid mo. Pakakamahalin mo sya lagi :)
Happy LP, kapatid.
Alam mo minsan,nag wish ako na may kakambal.Ang saya siguro! swerte mo at naranasan mo ito,iilan lang sa atin ang may kakambal di ba? Espesyal nga to na regalo!:) Happy LP!
ReplyDeleteunique ang magkaroon ng kakambal... lalo kung makikita yung malaking pagkakaiba nila.. sarap nga siguro noon na hindi mo inaala kung may kalaro o wala kasi laging kasama ang kakambal...
ReplyDeleteay ang galing may kakambal ka pala!
ReplyDelete