Ito ay ang aking koleksyon ng mga butones a ginagamit ko sa aking scrapbooking. Gusto ko ito dahil mura lang sya at ang daming kulay ang pwedeng pagpilihan. Natutuwa ako at nakunan ko ito kagabi para sakto sa araw ng pagpopost ang aking lahok. Tamang tama talaga sa Valentines ito. Bukas may Pre-Valentines affair ang aming opisina, di man ako kasali, natutuwa ako dahil ineenganyo nilang sumali yung mga may asawa na. Base sa nakikita ko sa aking mga kaibigan, may panahon talagang parang nawawala na ang lambing at kilig sa buhay ng mag-asawa at ang mga celebrasyon na ganito ay nakakatulong upang buhayin ulit ang kanilang mga damdamin para sa isa't isa. Kahit na di na dapat inaantay ang mga araw na ganito para panatilihin ang pagmamahal sa mag-asawa dahil mas maganda kung araw araw ay ina-affirm natin sa ating pamilya at mga kaibigan ang ating pagmamahal at pag-aalala sa kanila.
Happy Valentines mga ka-LP!
Happy Valentines mga ka-LP!
kakaaliw naman...pati pala buttons may nagko-collect din.
ReplyDeleteaba scrapper ka pala ako din nga lang digital scrapper.. ganda ng idea mo dito..
ReplyDeleteMaganda Huwebes!! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-heart.html
ako hoarder din ako ng iskrapbuk supplies - di ko lang magawa kasi kulang sa time :)
ReplyDeletehapi lp!
http://teystirol.com/2009/02/12/kapusong-totoo/
wow! ang chaga mo nman mag scrap at ang gaganda pa ng butones mo, red, galing naman ng naisip mong shape, :)
ReplyDeleteLP:PUSO
wow! ang galing mo naman....happy vday!
ReplyDeleteang aking PUSO ay narito : Reflexes
Hmmm.. bakit di ko man lang naisip na daming puso pala sa mga scrapbook materials? Hehehe.. nice entry!
ReplyDeleteang gaganda nga ng mga butones ... yong iba ganda ng kulay parang kendi sarap kagatin. salamat sa pagdalaw sa blog.
ReplyDeletehappy vday and happy LP po :D
ReplyDeletepwede pa naman ang mga couples para sa mga valentine activity ehehehehe
wow ang dami naman, maraming yang magagawang scrapbooks :D
ReplyDeletemula sa puso eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
kakaibang lahok para sa temang puso at hugis puso. :)
ReplyDelete