Thursday, February 19, 2009

LP 46: TIPANAN



Sweet naman ng dalawang ito. Nag-"date" sila sa tabig dagat at pinanood ang paglubog ng araw. Akala ko wala akong mailalahok para sa kategoryang "tipanan" dahil parang nahihiya naman akong kumuha ng litrato ng mga "couples" dahil baka sila ay mainis o mahiya. Di rin naman ako nakalabas nung valentines day dahil mayroon kaming leadership training noon. Itong litratong ito ay kuha nung araw pagkatapos ng Valentines Day. Habang naghahanap kami ng mga interesanteng mapipiktyuran. Nang makita ko sila natuwa ako dahil naisip ko agad na may lahok na ako sa Litratong Pinoy. Salamat sa kanila nakasali pa rin ako sa linggong ito. hehehe!

7 comments:

  1. ito ang typical date Pinoy-style. ganito rin ang hinahanap kong makunan ng litrato pero na-shy din ako.:D

    ReplyDelete
  2. Para sa akin, ok ang ganyang tipanan, at least, mas maaliwalas at tahimik (wag lang me magka-karaoke, hehehe) :)

    ReplyDelete
  3. haha! korek.. pasimple lang sa pagkuha ng larawan ng mga tao.. :)

    ReplyDelete
  4. Manila Bay?

    Napakaromantiko ng lahok mo...Happy LP!

    ReplyDelete
  5. uy, pareho tayo... happy LP! :)

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.