Wednesday, May 6, 2009

LP 56: Simula Pa Lang


Nung long weekend dumating ang aming kaibigan na si Jojo kasama ang dalawa nyang katrabaho na sina Carlo at Rodel. Dumating din ang pinsan naming si Dino at ang kanyang kasintahang si Amy. Nagpunta kami ng Pagudpud. Bago lang kaming magkakakilala pero nakakatuwa at nagkapalagayan kami ng mga oob agad. buong weekend, sa pagdiwang ng Viva Vigan Festival, kami kami ang nagkasama-sama. Napakasaya ng aming mga araw. Ngayon na nagsibalikan na sila sa Maynila at pumapasok sa kanilang mga opisina, nararamdaman namin ang pagkakamiss sa isa't isa. Ganun kaganda ang naging samahan namin. Pati ang aking ate na si Owen ay nakisama sa amin at nag-enjoy ng husto. Ngayon pa lang nagplaplano na kami ng aming susunod na bakasyon. Simula pa lang ito ng isang magadang samahan.

8 comments:

  1. Nakakatuwang magkaroong ng magandang samahan. Good luck sa mga susunod niyong adventures.
    Magandang Huwebes!

    Eto naman ang aking lahok.

    ReplyDelete
  2. Sana ganito palagi. Sana sa lahat ng mga unang pagkikita ay nabubuo ang isang magandang samahan. Then the world will be a better place.

    Happy LP po mula sa isang newbie!

    ReplyDelete
  3. Magandang simula ang pagpapalagayang-loob ng mga bagong magkakaibigan (at kamag-anak na din)

    ReplyDelete
  4. at least, maiging excuse ito para magkitakita muli. :D happy lp! :D

    ReplyDelete
  5. wow ang galing...sobrang ganda ba ng pagudpod?
    di pa ako nakakapunta dun eh.

    ReplyDelete
  6. kakatuwa iyang ganyan..meron din kaming bagong naging kaibigan sa pamamasyal at ang saya-saya namin:)

    ReplyDelete
  7. Nakakainspire ang ganitong klase ng simula ng pagkakaibigan. Sana magtagal ang samahan ninyo, cheers!

    ReplyDelete

hi! thanks for taking time to visit my site.